Meet Wendell Ramos's daughter, Tanya Sabel

Katulad ng kanyang karakter sa 'Prima Donnas' na si Jaime Claveria, isang mapagmahal na ama rin ang batikang aktor na si Wendell Ramos sa likod sa camera.
May tatlong anak si Wendell, sina Wendell Saviour, Dedell Saviour, at ang kanyang unica hija at bunsong anak na si Tanya Sabel.
Pinasok na ni Dedell ang mundo ng pag-arte nang bumida ito sa ilang boys' love online series tulad ng 'Happenstance,' na idinerehe ni Adolf Alix, Jr.
Kamakailan naman ay nakilala ng mga tao ang nag-iisang babaeng anak ni Wendell na si Tanya Sabel, nang ibinahagi ng kanyang ama ang isang video kung saan kinakanta nila ang 'More Than Words' na pinasikat ng grupong Extreme noong 1991.
Mas kilalanin pa si Tanya Sabel sa mga larawan na ito:



















