Celebrities na pumanaw na ang ina

Ngayong ipinagdiriwang ang Mother's Day, may ilang celebrities ang sobrang nakaka-miss sa kanilang mga ina dahil pumanaw na ang mga ito.
Isa sa mga artistang yumao na ang ina ay si Kapuso actor Alden Richards. Madalas maikuwento ni Alden kung gaano niya ka-miss ang kanyang ina sa interviews.
Kabilang din sa listahan si Bianca Umali na bata pa lang ay iniwan na ng kanyang mga magulang. Ang kanyang lola ang tumayong ina ng aktres.
At nito lamang 2021, namaalam na rin ang ina ni Jean Garcia dahil sa COVID-19.
Silipin ang ilan pang celebrities na namatayan na ng ina sa gallery na ito.












