#ProbinsyaLife: Big move ng celebrities na piniling iwan ang city life

Bago pa man magkaroon ng pandemya, maraming celebrities na rin ang umalis sa Metro Manila upang tumira sa probinsya.
Nangunguna sa listahan si Andi Eigenmann, na ngayon ay masaya na ang buhay sa Siargao kasama ang kanyang pamilya.
Taong 2017 nang talikuran ni Andi ang "artista life" ngunit nilinaw niya na hindi siya titigil sa pag-arte.
Matapos ang pahayag ni Andi noon, binenta niya ang lahat ng kanyang mga gamit at lumipat sa Baler, Aurora, isang kilalang surf city.
Nang makilala ni Andi ang surfer na si Philmar Alipayo, pinili ni Andi na manirahan sa Siargao, kung saan siya nagpatayo kasama ang kilalang surfing champ.
Ngayon, matapos ang ilang taon, masaya na sina Andi at Philmar sa kanilang island life, kasama ang kanilang tatlong anak na sina Ellie, Lilo, and Koa.
Bukod kay Andi, kilalanin ang iba pang celebrities na piniling umalis sa siyudad upang tumira sa probinsya dito:





















