IN PHOTOS: Jinkee Pacquiao and her family in Los Angeles

Bago pa man ang laban ni Manny Pacquiao kay Errol Spence, Jr. sa August 21, lumipad na papuntang Los Angeles ang asawa ng una na si Jinkee Pacquiao kasama ang mga anak nilang sina Jimuel, Michael, Queenie, Princess, at Israel para suportahan ang asawa.
Una nang lumipad si Manny sa Los Angeles noong July 3 para makapag-ensayo sa nalalapit na laban niya, na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Maglalaban ang dalawa para sa IBF at WBC welterweight titles na hawak ngayon ni Errol.
Habang abala sa pag-eensayo ang asawa, sinasamantala ni Jinkee ang mga natitirang oras sa Los Angeles kasama ang mga anak para makapamasyal. Ilan sa mga lugar na pinuntahan ng pamilya ay ang Griffith Park at The Grove mall.
Sa Instagram, ibinahagi rin ni Manny ang sweet photo nila ni Jinkee na kuha sa kanilang "date night" matapos ang buong araw na pag-eensayo.
Narito ang masayang adventure ng pamilya Pacquiao sa Los Angeles:
























