Isa sa mga kinagigiliwan na celebrity babies ngayon ay ang anak ni Kapuso actress at beauty queen Winwyn Marquez na si Luna Teresita Rayn o mas kilala bilang si Baby Luna.
May 1 nang inanunsiyo ni Winwyn ang kaniyang pagsilang kay Baby Luna at mula nang i-post ng aktres ang larawan ng kaniyang anak online ay naging instant celebrity na rin ito.
Tila hirap si Winwyn na iwan ang kaniyang anak para magtrabaho at ito ay makikita sa mga posts niya sa Instagram.
Kamakailan lang ay nagbahagi ang aktres ng larawan ni Baby Luna kung saan makikita ang napaka-cute nitong ngiti!
“Paano mo naman maiiwan 'yung ganyan?! haay.. at ganun pala talaga noh? Wala na ako photos of myself sa phone ko puro na si Luna at si Luna kasama dada niya.. taga picture nalang talaga ata pag ikaw ang mama,” caption niya sa kaniyang post.
Silipin ang ilan sa mga cute na cute na photos ni Baby Luna sa gallery na ito.
Ipinagdiwang ni Winwyn Marquez ang kaniyang 30th birthday noong May 4 bilang first time mom kay Baby Luna.
All-smiles naman si Baby Luna sa newborn photo na kinunan ng kaniyang ina.
Sa Instagram, inanunsyo naman ni Winwyn na magkakaroon ng first photoshoot si Baby Luna.
Sa isang vlog, ibinahagi ng celebrity mom ang naging first photoshoot ni Baby Luna sa kanilang tahanan.
Kitang-kita naman sa video ang pagiging hands-on mom ni Winwyn na abala sa pag-aayos kay Baby Luna.
Behave at game na game naman si Baby Luna sa kaniyang first photoshoot.
Martial artist ang first look ni Baby Luna na inspired sa kaniyang daddy.
Suot naman ni Baby Luna ang kaniyang unang korona bilang next beauty queen gaya ng kaniyang mommy sa second look ng photoshoot.
Sleeping baby Princess naman ang isa pang look ni Baby Luna.
BTS-themed celebration naman ang napili ni Winwyn para sa first month ni Baby Luna.
Si Baby Luna ay anak ni Winwyn Marquez sa kaniyang non-showbiz partner.
"Chill muna ako rito, Mama Dada. - Baby Luna," caption ni Winwyn sa photo na ito.
Cute na cute si Baby Luna sa kaniyang pineapple dress para sa fourth-month birthday nito.
"Emotionally preparing to see our little princess in a school uniform someday," caption ni Winwyn Marquez sa selfie photo nila ni Baby Luna.
Ang masayang bonding ni Baby Luna sa kaniyang Lolo Joey Marquez. Sulat ni Winwyn, "Luna finds her Lolo [Joey] funny kaya ayan gusto niya na isama pauwi."
Sino ba namang hindi matutuwa sa chubby cheeks ni Baby Luna?
Manang-mana si Baby Luna sa kagandahan ng kaniyang mommy!
“5 months of pure bliss,” ani ni Winwyn sa kanyang post.
Ayon kay Winwyn, si Luna ang definition niya ng “perfect.”
Nag-twinning ang mag-mommy with their sunglasses!
Pinabinyagan nina Winwyn si Baby Luna noong Oktubre.
Para sa kanyang sixth month shoot ay nag-dress up bilang si Mulan si Baby Luna.
Kaaliw-aliw ang reaksiyon ni Baby Luna habang pinapanood si Winwyn na kumain.
Napaka-cute ni Baby Luna sa kanyang dainty dress para sa kanyang seventh month photo.