Vic Sotto's children reunite for his 69th birthday

Muling nagsama-sama ang mga anak ng batikang komedyante at Eat Bulaga host na si Bossing Vic Sotto para sa kaniyang 69th birthday.
Sa Instagram, ibinahagi ng misis ni Vic na si Pauleen Luna ang larawan nilang pamilya sa isang intimate birthday dinner kasama ang mga anak ni Vic at ang kani-kanilang mga asawa.
“Happy happy birthday, love. @mzet280,” caption ni Pauleen sa kaniyang post.
Makikita sa nasabing larawan si Oyo Boy Sotto kasama ang asawa niya na si Kristine Hermosa, Danica Sotto kasama ang mister nito na si Marc Pingris, Paulina Sotto kasama ang kaniyang asawa at anak, Pasig City mayor Vico Sotto, sina Pauline at Vic kasama ang kanilang anak na si Tali.
Sa isa pang video, mapapanood naman ang masayang kulitan nina Tali at kaniyang pamangkin na si Sachi Brielle.
Samantala, bago ang nasabing birthday celebration ay sumalang muna si Vic sa limang araw na isolation ayon sa isang hiwalay na birthday post ni Pauleen.
“Finally reunited! Happy to be celebrating Vic's birthday together (we were both in isolation for 5 days and finally got 'one line' just in time for the birthday!) Thank you, Lord for the gift of healing, family and friends. Thanks to everyone who sent in cakes and gifts! God bless us all,” saad ni Pauleen.
KILALANIN ANG MGA ANAK NI VIC SOTTO SA GALLERY NA ITO:
























