Zeinab Harake on her adorable kids: "Kayo lang palagi ang pipiliin ko"

Isa si Zeinab Harake sa content creators sa Pilipinas na mayroong milyun-milyong subscribers sa YouTube.
Bukod dito, mayroon siyang 12 million followers sa Facebook, five million followers sa Instagram, at mahigit 15 million followers sa video-sharing app na TikTok.
Hindi lang sa pagiging social media influencer kilala si Zeinab, hinahangaan din siya ng fans dahil sa pagiging loving at hands-on mom niya.
Mayroong dalawang anak si Zeinab, ang kanyang adopted son na si Lucas at si Zebbiana o baby Bia, ang anak niyang babae sa kanyang ex-boyfriend at local rapper na si Skusta Clee.
Kamakailan lang, ibinahagi ng vlogger sa kanyang Facebook page ang ilang larawan nilang mag-iina, na kuha mula sa birthday photoshoot ng kanyang panganay na anak na si Lucas.
Sulat niya sa caption ng kanyang post, “Kayo lang palagi ang pipiliin ko.”
Makikita sa mga larawan sa ibaba na sweet na sweet si Zeinab sa kanyang cute na cute na babies.




