Luis Manzano ipinakita ang paboritong ngiti ni Baby Peanut

Hindi maikakaila na sobrang nae-enjoy ni Luis Manzano ang pagiging first-time dad sa anak nila ni Jessy Mendiola na si Isabella Rose na tinatawag din nilang Peanut o kaya naman ay Rosie.
Sa bagong Instagram post ni Luis, ibinahagi niya ang isang video, kung saan mapapanood ang kanilang cute dad-and-daughter moments ni Isabella.
Sa naturang video, labis na naaliw ang celebrity dad nang makita niya ang wonderful smile ng kaniyang baby.
Inilarawan ni Luis na ito raw ngayon ang kanilang paboritong smile ng kanilang cute na cute na baby girl.
Ayon sa caption ni Luis, “Our new favorite smile of @isabellarosemanzano [heart emojis].”
Bukod kay Luis, labis din itong ikinatuwa ng kaniyang asawa na si Jessy Mendiola.
Sa comments section, makikitang napa-react at comment ang celebrity mom nang mapanood niya ang video ni baby Peanut.
Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 110,000 likes at mahigit 800 comments ang naturang video.
Si baby Peanut ay ipinanganak noong December 28, 2022 via cesarean section.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG CUTE PHOTOS NI ROSIE SA IBABA:



















