advertisement
Celebrity Life

LJ Reyes' kids Aki and Summer show support for her wedding day

1 of 28

Aki's birthday

Noong July 24, ibinahagi ni LJ Reyes ang bonding na ginawa nilang mag-iina para sa selebrasyon ng 11th birthday ni Ethan Akio. "Was really looking forward to a different kind of celebration for Aki this time as he turned a year older! Sobrang different nga! Walang natuloy sa plano because of the weather... Happiest birthday my Akiboi! Mommy will love you forever and beyond!"

2 of 28

Summer Ayanna

Isinilang noong January 4, 2019 si Summer Ayanna, unang anak ni LJ Reyes sa aktor na si Paolo Contis.

3 of 28

Sibling moment

Cute na cute sina Aki at Summer habang gigil na yakap ang isa't isa.

advertisement
4 of 28

Ethan Akio

Kahit na mag-isang pinalaki ni LJ Reyes ang panganay na anak na si Aki sa dati nitong nobyo na si Paulo Avelino, lumaki itong mapagmahal at masayahin.

5 of 28

Jogging

Isa sa bonding moments nina LJ Reyes at Aki ang pagtakbo at pag-eehersisyo. Kuwento pa ng aktres, "When this boy saw me heading out for a run, he said he wanted to join me! So sabi ko, 'sure ka kaya mo?' I was really doubtful that he could, kasi for me he's still a baby but he finished about a 5k run with me."

6 of 28

Motherhood journey

Palaging handa si LJ Reyes sa mga emergency na parte na ng kanyang pagiging ina tulad na lamang nang kailanganing dalhin si Aki sa dentista para sa agarang pagpapatanggal ng wisdom tooth nito.

advertisement
7 of 28

Lollipop

Masayang ikinuwento ni LJ Reyes ang pagbisita sa pedia kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer kung saan hindi na natatakot si Summer sa doktor nito dahil sa palagi siyang binibigyan ng lollipop.

8 of 28

Workout

Isa sa bonding moments nina LJ Reyes at Summer ang pag-eehersisyo nang magkasama. Ibinahagi pa ng aktres na kahit na walang yaya ay hindi ito problema dahil go na go ang anak niya sa anumang aktibidad.

9 of 28

Aki and Summer

Talaga namang walang dull moment kapag kasama ni LJ Reyes sina Aki at Summer dahil maging sa pagpapakuha ng larawan ay game na game ang dalawa.

advertisement
10 of 28

Reason

Ibinahagi ni LJ Reyes kung gaano kahalaga para sa kanya sina Aki at Summer, "You both are the reason I smile every single day."

11 of 28

Hug

Niyakap ni Aki ang kapatid na si Summer na para bang nagtatampo. Pagbabahagi ni LJ Reyes sa tagpong ito, "And my heart melts."

12 of 28

Being a parent

Sa Instagram, ibinahagi ni LJ Reyes ang hirap ng pagiging isang magulang at ang sakripisyong ginagawa para lamang mapalaki nang maayos ang mga anak. "You always try to do what's best for them. You always tell yourself you would do this and that for them. But every single day is different. Mayroong mas masaya, mayroong challenging. But only one thing remains constant! Our LOVE for them."

advertisement
13 of 28

Mother's Day

Noong May 12, nakiisa si LJ Reyes sa pagdiriwang ng Mother's day kung saan ibinahagi niya ang larawan kasama sina Aki at Summer.

14 of 28

Haircut

Noong June 5, 2020, ibinahagi ni LJ nang subukan niyang gupitan ang anak na si Aki. Biro pa ng aktres, "Gusto n'yo ba malaman anong nangyari?"

15 of 28

Pajama

Hindi pinalagpas ni LJ ang moment na ito kasama ang anak na si Summer na sinubukang suotin ang pajama top niya. Ikinuwento pa ng aktres kung gaano kasaya ang anak habang sumasayaw na suot-suot ang damit niya.

advertisement
16 of 28

Better mom

Ayon kay LJ, ang mga anak niyang sina Aki at Summer ang nagbibigay inspirasyon sa kanya para mas pagbutihin pa ang pagiging isang ina.

"You keep me going every single day. You inspire mom to be better: better mom, better self," sulat ni LJ sa Instagram.

17 of 28

Family

Ibinahagi ni LJ ang precious moment na ito kasama sina Summer at Aki sa isang cafe sa New York.

18 of 28

Mother-son

Captured on cam ang kulitan ng mag-inang sina LJ at Aki. Biro ng aktres sa anak, "Holding your hand through thick or thin! But with tickles on the side!"

advertisement
19 of 28

Simple

Simple pero masayang namumuhay si LJ kasama ang mga anak abroad.

20 of 28

Memories

"Making new memories with you both," ang caption ni LJ sa sweet photo na ito.

21 of 28

Grow up

Ani ni LJ Reyes sa mabilis na paglaki nina Summer at Aki, "Parang lumiliit ako! Or lumalaki lang sila? 'Di ko sure!"

advertisement
22 of 28

God's best gifts

Ayon kay LJ Reyes, sina Summer at Aki ang pinakamagandang regalong natanggap niya mula sa Diyos.

23 of 28

Christmas

Ang unang Pasko ni LJ Reyes sa New York kasama ang mga anak na sina Summer at Aki.

24 of 28

Holidays

Noong January 10, ibinahagi ni LJ Reyes ang larawan niyang ito kasama sina Aki at Summer. Aniya, "Don't want holidays to end just yet."

advertisement
25 of 28

2022

Sina LJ Reyes at Summer Ayana suot ang kanilang 2022 New Year's glasses.

26 of 28

Amusement park

"Nakaka-miss din 'yung perya sa Pilipinas. Gusto ko rin ma-experience nila 'yon. Favorite ko 'yung may hinihila tapos kailangan mag-match 'yung colors ng blocks and 'yung nagbabato ng coins. Oh, well! I think this would be a usual hangout place with the warmer weather," caption ni LJ kasama ang mga anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana nang mamasyal sa isang amusement park sa Amerika.

27 of 28

International Women's Day

Noong International Women's Day, March 8, dinala ni LJ Reyes ang mga anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana sa Gantry Plaza State Park sa New York City.

advertisement
28 of 28

Mother's Day

Kasabay ng selebrasyon ng Mother's Day, ibinahagi ni Lj Reyes kung ano para sa kanya ang maging isang magulang. Aniya, "Na-realize ko sobrang daming ups and downs ng buhay. Pero ang importante maramdaman nila na mahal ko sila in every sense of the word. Like how I would always tell them, home is where we are together. At sila lang ang kailangan ko to keep me going."