Diego Loyzaga, may mensahe sa anak: 'I hope you don't judge me for my past'

Masayang masaya ang aktor na si Diego Loyzaga sa kanyang bagong buhay bilang isang ama.
Kuwento ni Diego sa kanyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda, marami siyang natuklasan tungkol sa kanyang sarili mula nang dumating sa buhay niya ang anak na si Hailey.
Noong June 2023 nang unang i-post ni Diego ang larawan nila ng kanyang first baby. “The best birthday gift ever,” caption niya sa kanyang post.
Naging madamdamin naman si Diego sa panayam niya kay Boy Abunda nang mas mapag-usapan pa ang kanyang pagiging isang ama.
Alamin ang matatamis na mensahe ni Diego para kay Hailey sa gallery na ito:











