Dingdong Dantes shares throwback moments with his daughter Zia

Kamakailan lang, napa-throwback sa TikTok ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Sa video-sharing app, makikita ang latest post ni Dingdong, kung saan mapapanood ang old clips nila ni Zia, ang firstborn child nila ni Marian Rivera.
RELATED GALLERY: Growing up with Zia Dantes
“Daddy Dong and Ate Zia through the years,” mababasa sa post ng celebrity dad.
Tampok sa video compilation ang sweet moments ng A-list actor at ni Zia.
Ilan sa mga ito ay ang magkasamang pagsakay nila sa zipline, sabay na pagkanta, at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 14,000 views ang naturang video.
@dingdongdantes Daddy Dong & Ate Zia #TheDantesSquad #fyp ♬ original sound - Dong Dantes
Taong 2014 nang ikasal sina Dingdong at Marian at November 23, 2015 naman nang ipinanganak ng huli si Zia.
Si Zia ngayon ay isang loving at hands-on sister kay Sixto.
Tingnan dito ang adorable dad moments ni Dingdong kina Zia and Ziggy:
































