Jinkee Pacquiao, emosyonal sa pag-alis ni Princess para mag-aral abroad

GMA Logo princess pacquiao

Photo Inside Page


Photos

princess pacquiao



Emosyonal ang pamilya ng boxing icon at dating Philippine senator Manny Pacquiao nang ihatid nila ang anak niyang si Princess sa London, kung saan siya mag-aaral ng kolehiyo.

Sa Instagram ng asawa ni Manny na si Jinkee, ibinahagi niya ang isang video kung saan makikita ang emosyonal na pagpapaalm nila kay Princess.

Caption ni Jinkee sa kaniyang post, “Alis na si Princess for college. Wala gyud na sila nagbulag sukad karun lang na mag eskwela na sa London si Princess.”

(Aalis na si Princess for college. Hindi talaga sila nag hiwalay mula noon ngayon lang na mag aaral na sa London si Princess.)

“Hilak pud ang inahan nag tan aw sa ilaha,” pagpapatuloy niya.

(Umiiyak din ang nanay niya habang nakatingin sa kanila.)

Si Princess ang panganay na anak na babae nina Manny at Jinkee. Sa katunayan, ipinagdiwang nito ang kaniyang ika-17 na kaarawan October noong nakaraang taon, kung saan naging panauhin pa niya si Eunhyuk na miyembro ng sikat na K-Pop group na Super Junior.

Taong 1999 pa nang ikasal sina Manny at Jinkee. Nabiyayaan na rin sila ng apat pa na anak; sina Jimuel, Michael, Queenie, at Israel.

Samantala, tingnan dito ang ilang pang anak ng celebrities na nakapag-aral abroad:


Lorin Bektas
Malibu, California
Andres Muhlach
Spain
Atasha Muhlach
United Kingdom
Joaquin Rivera
Julio Rivera
Canada
Frankie Pangilinan
New York
Kiana Valenciano
Central Saint Martins
Hannah Pangilinan
Australia

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants