Kyline Alcantara, ipakikilala na ni Kobe Paras kay Jackie Forster

Sa darating na bagong taon, nais na raw ni Kobe Paras na ipakilala si Kyline Alcantara sa kanyang inang si Jackie Forster.
"I have a lot of family on my mom's side in the States and I'd love for them to meet Ky," sabi ni Kobe sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago ng GMA Integrated News.
Kaugnay nito, nabanggit naman ng Shining Inheritance star na si Kyline na handa na rin siyang makilala ang pamilya ni Kobe sa Amerika.
"Definitely. Na-meet niya na po ang aking buong angkan. Why not naman, 'di ba? Kaniya naman."
Dugtong naman ni Kobe ay excited na siya para rito.
"Not a lot of people have met my family from my mom's side so it'll be exciting for me, for them to meet Ky."
RELATED GALLERY: Kyline Alcantara and Kobe Paras spark romance rumors with cozy photos
Ngayong Pasko ay makakasama naman ni Kyline si Kobe sa Bicol.
Kuwento ni Kyline sa kanilang plano sa Pasko, "Kumain ng lahat ng Bicol dishes, maaanghang. Kainin ang luto ng aking lola. We're just planning to chill of course it's the holidays."
Saad pa ni Kyline masaya siya na makakasama niya rin si Kobe sa Bicol.
"I am happy that Kobe will be joining us."
Panoorin ang kuwento ni Kyline at Kobe dito:
Samantala, tingnan ang bonding moments ng magkapatid na Kobe at Andre kasama ang kanilang inang si Jackie rito:
















