Celebrities share their 2024 family Christmas portraits

Ngayong Pasko, may kanya-kanyang pakulo ang ilang celebrities para sa kanilang holiday photos.
Halimbawa na riyan si Nadine Samonte na nilagyan ng personal touch ang kanilang family portraits. Tampok dito ang kinokolekta niyang Pop Mart Molly dolls na kinaaaliwan niya.
Pinoy naman ang tema ng Christmas photoshoot ng actor-politician na si Alfred Vargas at ng kanyang pamilya. Ibinida nila ang pagsusuot ng Barong Tagalog at terno, at ang classic Filipino Christmas symbol na parol.
Tingnan sa gallery na ito ang Christmas family photos ng mga celebrity ngayong 2024.































