Albie Casiño on being a father: 'Ang hirap pala pero'

Ginulat ni Albie Casiño ang kanyang fans at followers nang ipakilala niya sa publiko ang kanyang anak noong nakaraang taon.
Ayon kay Albie, noong una ay hindi talaga nila plano ng kanyang girlfriend na ipakita sa publiko ang kanilang anak.
“Actually, noong una, ayaw ko talaga siya ipakita, e,” nakangiting sabi ni Albie nang sandaling makapanayam siya ng GMANetwork.com sa premiere night ng pelikulang Sampung Utos kay Josh kagabi, January 27.
Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento, sinabi ng aktor na sobrang na-excite lang siya nang makita sa unang pagkakataon ang kanyang baby na si Roman Andrew.
“I wasn't there when he was born kasi American yung mom niya, e, so doon na nanganak. So, after this shoot [Sampung Utos kay Josh], lumipad na ako and two months old na siya nun.”
Masaya rin siya sa mga positibong komento ng kanyang fans at followers sa kanyang anak at pagiging ama.
“I'm happy when I see na kapag pino-post ko siya, he brings joy to a lot of people. Sobrang cute niya, hindi ko matiis, e, kaya gusto kong i-post.”
Pagkatapos ay muli niyang nabanggit, “Pero before talaga managanak yung girlfriend ko, pinag-usapan na 'yon, na hindi namin ipo-post yung baby like, likod lang ng ulo.
“Pero yun nga, when I saw him after two months, nagda-drive kami pauwi sa bahay niya [girlfriend] from the airport, parang sabay lang namin na napag-usapan na we're gonna post this.”
Related content: Meet Roman Andrew, Albie Casiño's adorable baby boy
Kumusta naman ang pagiging first-time dad ni Albie?
“Grabe, ang hirap pala, pero sobrang fulfilling,” sagot ng aktor.
“I say mahirap, kasi like, ang dami kong emotions about it, di ba? Masaya and, at the same time, ang dami ko ng takot sa mundo na hindi ko naman takot before.”
Isang halimbawa raw ay nang magkasakit ang anak niya.
Kuwento niya, “You know, when my son get sick. Noong New Year, parang my flu, di ba? Everyone got sick, my parents got sick, even ako, pero siya, ang tagal. Akala ko pa nga dengue, so ang dami ko nang takot. Una, [dadalhin] ko na ba siya sa hospital, yung bill… Never in a million years ko naisip na kailangan kong isipin before.”
Sa ngayon, pursigido raw si Albie na magtrabaho para sa kanyang anak. Katulad na lamang ng pagtanggap niya sa kanyang role Sampung Utos kay Josh, na naging challenge sa kanya dahil ito ay isang comedie movie.
Aniya, “Kaya naman. I feel like I did a very good job. Parang exciting… Ang tagal ko nang artista and it's not often that I get to do something for the first time again.
“So, nagawa ko ito and it's new challenge. And I feel that I was in a good position kasi mga totoong komedyante ang mga kasama ko, di ba? I'd like to do another comedy.”
Ang R-16 na pelikulang ito ay magsisimulang ipalabas sa mga sinehan simula January 29.
Samantala, tingnan ang ilang pang celebrities na naging first-time parents noong 2024 dito:

















