Sweet mom moments of Camille Prats with her kids

Patindi nang patindi ang ipinapakita ni Olive, ang karakter na ginagampanan ni Camille Prats sa Afternoon Prime series na Mommy Dearest. Kamakailan lang ay sinaktan at pinakain pa niya ng papel mula sa libro si Mookie (Shayne Sava), at halos magmakaawa na si Emma (Katrina Halili) at Astrid (Winwyn Marquez) kay Olive na 'wag na itong saktan.
Ngunit sa totoong buhay, malayong-malayo si Camille Prats mula sa kaniyang karakter na si Olive. Sa katunayan, isang loving mom siya sa mga anak na sina Nathan, Ice, Nolan, at Nala.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Camille, inamin nitong hindi niya nakikita ang sarili bilang si Olive, at sinabing wala silang similarities.
“I don't see myself in Olive. I am a very chill mom, I believe I am very affectionate as well, I'm very malambing, I'm very clingy to my children, I'm very vocal about how much I love them,” saad ni Camille.
Tingnan sa gallery na ito ang pruweba na iba si Camille kay Olive, at ilang sweet moments niya bilang isang ina sa kaniyang mga anak:









