
Ipinakita ni Regine Velasquez-Alcasid na kaya nang kantahin ni Nate ang isa sa mga sikat na theme song ng pelikulang pinagbidahan niya noon.
Sa kanyang bagong Instagram video, ipinakita niya ang kanyang anak na kumakanta ng "I Can" na theme song ng 1996 hit musical film na Do Re Mi. Bukod sa Songbird, kasama niya sa movie sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco-Jaworski.
Ani ni Regine sa kanyang post, "OMG!!!!!!! #icanwithBoo ??? @ogiealcasid"
Good job, Nate!