
Bibigyang-buhay ni Marian Rivera si Super Ma'am, pero para sa mister niyang si Dingdong Dantes, ang Kapuso Primetime Queen ay isang “super mom.”
Ibinahagi ni Dingdong ang litrato ng kanyang misis na nakabihis bilang character nito sa bagong Kapuso primetime series.
Aniya, “Mabuti naman at hindi ito ang kanyang OOTD sa aming tahanan kundi sa TV lang. Mamaya, makikita niyo na siya – ang super hot na titser na lumalatigo ng mga masasamang element!”
“Super Ma'am ang pamagat nito, pero sa totoong buhay, Super Mom ang tawag ko,” dugtong ni Dingdong.