Celebrity Life

WATCH: Tekla, may mensahe para sa anak na naiwan sa Bacolod

By Marah Ruiz
Published June 18, 2018 11:23 AM PHT
Updated June 18, 2018 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ten years old na pala ang anak ng komedyanteng si Tekla na si Ira. Sa Bacolod ito nakatira kasama ng kanyang ina. 

Ten years old na pala ang anak ng komedyanteng si Tekla na si Ira. Sa Bacolod ito nakatira kasama ng kanyang ina. 

Dahil sa Maynila nagtatrabaho si Tekla, napilitan siyang iwan ang bata sa probinsya. 

"Down na down ako noon, Kuya Nelson. Talagang parang ground zero. Nag-decide na rin ako na doon na 'yung baby. Doon na siya kasi feeling ko hindi ko magagampanan 'yung responsibilidad ko," pahayag niya.

Dahil hindi niya ito nakapiling noon Father's Day, nagbigay na lang siya ng simpleng mensahe para dito.

"Baby Ira, hindi porket hindi ka china-chat ni daddy, that doesn't mean na hindi kita love. Mami-miss lang kasi kita lalo. Kaso wala akong magagawa, made-depress lang ako," aniya.

Simple lang naman daw ang pangarap ng komedyante para sa anak.

"Lahat naman tayong magulang [ay] naghahangad ng kabutihan [para sa] anak. Lumaki lang siya nang maayos tsaka may takot sa Diyos," bahagi niya.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend: