
Excited si Aiai delas Alas para sa kanyang asawa na nagsimula nang mag-aral bilang isang piloto.
Ibinahagi ni Aiai ang kanyang mga kuha sa unang pagsabak ng kanyang mister na si Gerald Sibayan bilang isang aviation student.
“Orientation of my darl sa AIA (Asian Institute of Aviation). Yes, magkaka-asawa ako ng pilot, nax. Proud of you my husband. Fly high my darling,” wika niya.
Ipinakita rin ng Philippine Queen of Comedy ang video ni Gerald nang subukan nito sa unang pagkakataon ang isang Cessna 172 simulator kasama ang isang kapitan mula Malaysia.