Celebrity Life

Siblings Gabby, Maxene, Andi Eigenmann remember late dad Mark Gil's birthday

By Nherz Almo
Published September 25, 2018 6:24 PM PHT
Updated September 25, 2018 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News



Paano inalala ng mga magkakapatid na Eigenmann ang kaarawan ng kanilang ama at dating aktor na si Mark Gil? Silipin dito.

Bagamat apat na taon na ang nakalilipas simula nang pumanaw ang batikang aktor na si Mark Gil, hindi pa rin nakalilimot ang kanyang mga anak na alalahanin ang kanyang kaarawan.

Sa kani-kanilang Instagram accounts, nag-post sina Gabby, Maxene, at Andi Eigenmann ng kanilang pagbati para sa kanilang yumaong ama.

Sabi ni Gabby, “Always in character.. happy birthday Dad.. so far kaya ko pa.. miss you always. LOVE YOU.”

Always in character.. happy birthday Dad.. so far kaya ko pa.. miss you always. LOVE YOU.

A post shared by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on


Samantala, isang lumang litrato kasama ang kanyang ama ang pinost ni Andi sa kaniyang Instagram story.


Sa kabilang banda, inilahad naman ni Maxene ang masasayang alala niya sa kanilang yumaong ama.

Aniya, “Remembering your silly jokes, your silent laugh & tightest hugs.

“You will always be my fondest memory. Happy birthday to the most handsome man I know. I love you, Daddy. Missing you.”

Remembering your silly jokes, your silent laugh & tightest hugs. You will always be my fondest memory. Happy birthday to the most handsome man I know. 💖 I love you, Daddy. Missing you everyday!

A post shared by Max Eigenmann (@slinkymax) on


Pumanaw si Mark Gil, 53, noong September 1, 2014 dahil sa sakit na liver cancer, isang karamdaman na hindi ipinaalam ng aktor at ng kanyang pamilya sa publiko.

Noong nakaraang September 1, inalala rin ng kanyang mga anak ang kanyang pagpanaw.
Base sa post ni Maxene, nagkaroon ng munting salu-salo ang kanilang pamilya bilang paggunita sa kanilang yumaong ama.

TODAY. Your day. and just like that the family is together. FOR YOU. Gosh, Daddy. You've always had a way of bringing us together.. mainly cos of your food.. Ang SARAP SARAP mo mag luto! Haha! I MISS YOU!!!!!!!!!! 😭😭😭😭

A post shared by Max Eigenmann (@slinkymax) on


Narito ang magkakapatid na sina (seated) Gabby, Sid, (standing from left) Andi, Maxene at Stephanie. Hindi nila nakasama sa salu-salo ang kanilang kapatid na si Ira.

Can't live with them and can't live without them. Missing you Ira.. #happy4thyearinheavendad

A post shared by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on


Sa hiwalay na post, sinabi ng dating Contessa actor, “Its been 4 years but I still miss you everyday.. Thankful for my sibs that we still have each other. We got this Dad.. love you”

Its been 4 years but i still miss you everyday.. Thankful for my sibs that we still have each other. We got this Dad.. love you😘

A post shared by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on