Celebrity Life

Ano ang balak ipangalan ni Miriam Quiambao sa kanyang magiging anak?

By Gia Allana Soriano
Published December 7, 2018 4:59 PM PHT
Updated December 7, 2018 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo, on Christmas Eve, says denying help to poor is rejecting God
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Miriam Quiambao, itinuturing na “miracle baby” ang kaniyang dinadala.

Malaki ang pasasalamat ni former beauty queen Miriam Quiambao nang malaman niyang nagdadalang tao na siya, at magkakaroon na sila ng anak ng asawa niyang si Ardy Roberto.

Miriam Quiambao
Miriam Quiambao

Sa isang interview with Rhea Santos sa Tunay Na Buhay, inalala niya ang sayang naramdaman nilang mag-asawa nang malaman ang magandang balitang ito.

Aniya, "Nag-pregnancy test muna ako. Pag-test kong ganyan, lumabas yung isang linya, dalawang linya. [Napasigaw ako ng] 'Babe! I'm pregnant!'”

Dagdag pa niya, "Para kaming mga bata [nung malaman namin.]"

Nagpasalamat din sila sa Diyos sa pagsagot sa mga dasal nila at agad nilang sinabi ito sa doctor nila na nag-suggest na magpa-ultrasound na siya.

Dito, nalaman niya na six weeks and one day na pala siyang nagdadalang tao.

Kino-consider din ni Miriam "miracle baby," ang dinadala niya.

Aniya, "Binuhusan din namin ng pagdadasal ito. And to think na 43 years old na ako, there are only one to two percent chances for a woman like me to get pregnant."

Masayang sinabi ni Mirriam na lalaki ang kanyang anak na balak niyang pangalanang "Elijah Yeshua." Paliwanag niya, "Elijah is the prophet Elijah, Yeshua is the Hebrew name for Jesus."

Kino-consider din ni Miriam na "miracle baby," ang dinadala niya. Aniya, "Binuhusan din namin ng pagdadasal ito. And to think na 43 years old na ako, there are only one to two percent chances for a woman like me to get pregnant.”

Panoorin ang kabuuang interview ng Tunay na Buhay kay Miriam: