Celebrity Life

LOOK: Barbie Forteza at Jak Roberto, nagmadaling umuwi para makita ang isa't isa sa New Year

Published January 1, 2019 12:24 PM PHT
Updated January 1, 2019 12:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Paano nga ba sinalubong nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang Bagong Taon?

Kahit sa pagsapit ng Bagong Taon, tuloy pa rin ang pagtatrabaho ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Barbie Forteza and Jak Roberto
Barbie Forteza and Jak Roberto

This 2019, magkahiwalay na sinalubong nina Barbie at Jak ang Bagong Taon dahil magkaiba ang nilahukan nilang New Year's Countdown events. Si Barbie ay nakisaya sa Philippine Arena, habang si Jak naman ay masayang nagtanghal sa Kapuso New Year's Countdown 2019.

Ayon sa Instagram post ng Kapuso actress, nagmadali raw silang umuwi pagkatapos ng kani-kanilang events upang makasama ang isa't-isa.

Magkahiwalay man tayo nung maghiwalay ang taon, ang importante, parehas tayong nagmamadaling umuwi para makit ang isa't isa. New year. Same people. Same happy heart.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

"Magkahiwalay man tayo nung maghiwalay ang taon, ang importante, parehas tayong nagmamadaling umuwi para makita ang isa't isa. New year. Same people. Same happy heart," kuwento ni Barbie.