
Ipinasilip nina LJ Reyes at Paolo Contis ang ilang mga litrato ng kanilang anak na si Summer.
LOOK: LJ Reyes gives birth to her second baby
Kuwento ni Paolo sa kanyang post, December pa lamang daw ay nagpaparamdam na si Summer sa kanyang nalalapit na pagdating.
"Last week of December pa lang nagbabadya ka nang lumabas anak.. Maraming salamat at pinaabot mo ng 2019! Ang hirap na mag palit ng hashtag sa mga lumang posts eh! #BabyContis2019 #SummerAyannaContis"
Sa post naman ni LJ ay sulit umano ang kanyang sakit at hirap na dinanas sa paglabas ni Baby Summer.
"We've waited for you... and now I can't believe you're already in our arms! Worth every single pain! I love you sooooooo much Summer!!!! Mommy is so crazy about you!!!"
Congratulations, LJ and Paolo!