
Mahigit isang buwan matapos yumao ng ina ni Rayver Cruz na si Beth Cruz, ay sariwa pa rin ang alaaala nito hindi lang sa pamilya Cruz, kundi pati na rin sa mga kaibigan ng kaniyang mga naulilang anak.
Kuwento ni Dragon Lady actress Janine Gutierrez, masaya siya't nakilala niya pa ang ina ni Rayver bago ito yumao nitong Pebrero.
“Mabait talaga 'yung mommy niya sobra. 'Dun mo makikita knug bakit ganun kabait si Rayver tsaka si Rodjun kasi mana mana pala talaga sila."
Kuwento ni Janine, kikay daw ang nanay ni Rayver at dito raw namana nila Rayver at Rodjun ang kanilang talento sa pag-sayaw.
“Binigyan niya pa ako ng mga sapatos super kikay din kasi 'yung mom nila 'eh. Super active dancer din dun nila nakuha lahat ng talent nila dun.”
Kumusta naman ang estado ngayon ni Rayver sa gitna ng pagluluksa para sa pagpanaw ng ina?
Ani ni Janine, “I think nakatulong na sobrang busy siya pero siyempre malungkot pa rin 'yun.
Dagdag niya, “Mahirap talaga 'yung time na 'yun pero solid din silang magkakapatid eh. Siyempre kami ni Dianne nandoon lang kami para sa kanila pero masuwerte na rin na close silang magkakapatid kaya sila rin 'yung nagkakasama at nagtutulungan.”
WATCH: Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, excited na sa world premiere ng 'Dragon Lady'
Janine Gutierrez, ipinakita ang Dragon Lady look