
Kung noon tutol si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagsabak ng kaniyang anak na si Jimuel sa boxing, ngayon masasabing hands-on coach na siya.
Sa Instagram, ipinakita ni mommy Jinkee Pacquiao ang pagsabak sa training ng kaniyang panganay na anak.
Makikitang nagsasanay si Jimuel sa para kaniyang pangarap na maging isang ganap na boksingero katulad ng kaniyang ama.
Sulat ni Jinkee, “Naiiyak ako, pinapanood ko pa lang.
“Gusto talaga ni Jimuel maging boxer”
“At ang ama pa niya sinabi sa akin, 'Babe, meron na tayong boxer!'
"Wala nang makakapagpigil sa kaniya”
LOOK: Meet the 17-year old son of Mannu Pacquiao, Jimuel
Isang ganap na stage father si Manny dahil hindi lamang mga techniques sa pagdepensa at footwork ang tinuturo niya, kundi pati na rin ang tamang pag-hand wrap.
Ang ibang celebs naman, natuwa sa pag-turo ng Pambansang Kamao sa anak.
Panuorin ang buong ulat ni Cedric Castillo:
IN PHOTOS: Get to know Emmanuel “Jimuel” Pacquiao