Celebrity Life

EXCLUSIVE: Ano ang mahalagang natutunan ni Boobay mula sa kanyang yumaong ina?

By Cherry Sun
Published May 10, 2019 11:05 AM PHT
Updated May 10, 2019 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P1.224-M worth of illegal firecrackers seized ahead of New Year revelry – PNP
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Sabi ni Boobay tungkol sa pinakamahalagang aral na ibinilin ng kanyang ina, “Totoo 'yun, mawala na lahat, meron kang fallback.” Alamin kung ano ito:

Hinding-hindi makalilimutan ni Boobay ang mahalagang aral na ibinahagi ng kanyang yumaong ina.

Boobay
Boobay

Anim na taon na raw mula noong sumakabilang-buhay ang nanay ng komedyante.

Gayunpaman, naaalala pa rin niya kung paano niya binigyang-diin ng kanyang ina ang kahalagahan ng edukasyon.

Ani Boobay, talagang tumatak daw ito sa kanya.

Sa katunayan, pansamantala niyang tinalikuran ang showbiz para siguraduhing makapagtapos siya ng kolehiyo.

READ: Boobay, binalikan kung paano siya nagsasimula sa showbiz

Paliwanag niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, "Ang pinaka-importanteng natutunan ko sa kanya 'yung bigyang importansya 'yung edukasyon.

“Sabi niya talaga, hindi ko makakalimutan, 'Mawala na lahat pero 'pag natapos mo 'yang school mo, hindi 'yan mananakaw.

“At totoo 'yun, mawala na lahat, meron kang fallback.”

Nakapagtapos si Boobay ng kurso sa komunikasyon sa sa St. Louis University sa Baguio.

EXCLUSIVE: Tekla, ibinahagi ang mahalagang natutunan mula sa kinikilalang ina