
Isang malaking sorpresa ang hinanda ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa kaarawan ng kaniyang mister na si Dingdong Dantes noong August 2.
Isang commissioned painting ang ipinagawa ng aktres kay visual artist at painter Mark Rocha Padernal.
Sa painting, kitang-kita si Dingdong na hawak-hawak si Baby Ziggy.
Kwento ni Dingdong sa kaniyang Instagram, “Days before #AgostoDos, my wife commissioned our Kumpare, @markrochapadernal, to create this very meaningful art piece.
“Maraming salamat sa regalo, mahal.@marianrivera”
Maliban sa buong Dantes Squad, ipinagdiwang din ng ilang celebrities ang kaarawan ng Kapuso actor.
Celebrities greet 'Big Boss' Dingdong Dantes on his birthday
Kabi-kabila ang birthday greetings na natanggap ni Dong kasama na rito ang kaniyang co-stars sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Descendants of The Sun.
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:
Netizens, humanga sa dedikasyon ng cast members ng 'Descendants of The Sun'