Celebrity Life

'Prima Donnas' star Aiko Melendez, strikto ba bilang ina?

By Aaron Brennt Eusebio

"I'm a combination of being a disciplinarian and all out."

Aiko Melendez


Ito ang pahayag ng nagbabalik-Kapuso na si Aiko Melendez nang tanunging ng GMANetwork.com kung paano siya bilang ina sa dalawang anak niyang sina Andrei Yllana at Marthena Jickain.

IN PHOTOS: Aiko Melendez's beautiful daughter Marthena Jickain

"When you say combination, I cannot be strict all the way because I'm a single mom, e.

"I play the role of a mom and a dad, so I see to it na balanse yung pagiging strikto ko, at the same time, minsan yung pagiging maluwag ko."

Pag-amin din niya, nahihirapan siyang maging nanay kina Andrei at Marthena dahil hindi puwedeng sobrang strict.

"Ang hirap [maging single mom] kasi andun ako sa punto na minsan ayoko siyang payagan, pero iniisip ko, at the back of my mind, na I have to let him also try these things, otherwise, he will do it on my back 'di ba?" ani Aiko.

Inamin din ni Aiko na mas strict siya kay Marthena pagdating sa oras ng pag-uwi.

"Medyo mas strict ako kay Marthena in terms of uwi, uwi talaga yan," saad ni Aiko.

"Talagang driver at yaya ang susundo. Kung hindi, mommy ko. 'Tapos kung hindi, ako. Ganun ako kasi, siyempre, babae, e.

"So, siyempre, nasa age siya ng curiosity, so I want yung firsts niya, ako yung tatanungan niya at tatanungin niya, 'Mama, is it like this, like that?' So, I'm there."

Sa kaniyang pagbabalik sa GMA, mapapanood si Aiko sa Prima Donnas kasama ang bagong tween stars ng GMA na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Kasama rin sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, Benjie Paras, at Elijah Alejo.

Abangan ang Prima Donnas simula August 19 sa GMA Afternoon Prime!