Celebrity Life

WATCH: Anak ni Jopay Paguia, sumayaw sa kantang pinauso ng SexBomb Girls

By Cherry Sun
Published August 16, 2019 11:45 AM PHT
Updated August 16, 2019 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Isabelle Alessa with parents Jopay Paguia and Joshua Zamora


Nagbahagi ng video si Jopay Paguia kung saan sumasayaw ang anak nitong si Isabelle Alessa Zamora sa kantang "Bakit Papa."

Like mother, like daughter! Tila susundan ni Isabelle Alessa Zamora, ang almost-two-year-old daughter nina Jopay Paguia at Joshua Zamora, ang yapak ng kanyang ina na original member ng SexBomb Girls.

Ilang nakakatuwang video ni Isabelle Alessa ang ibinahagi ni Jopay sa kanyang Instagram account.

Makikitang sumasayaw ang bata sa “Bakit Papa” isa sa signature songs ng SexBomb Girls. Sa isang video, nakasabay pa siya sa pagsigaw ng “Aww!”

Sambit ni Jopay tungkol sa kanyang anak, “The Next generation. Ninang @rocpangilinan & ninang @joycancio.ph pasado na ba ang batang ito? Nag sing & dance po sya. Get get Awwww.”

#GetGetAww: SexBomb dancers noon, certified mommies na ngayon

The Next generation 😜 Ninang @rocpangilinan & ninang @joycancio.ph pasado na ba ang batang ito 🤣 Nag sing & dance po sya 🤣😜 Get get Awwww 🥰 🇨🇦 🇨🇦 🇨🇦 #happymommyhappybaby #alessasfirstustour2019 #isabellealessazamora #diofjoshustour2019 #mylife #myforever #mylittlepumpkin #minikulechay #canadatour2019 #kulechoy #kulechay #edmontoncanada

A post shared by Diofanny paguia-zamora (@jopaypaguiazamora) on


Aprub naman si Isabelle Alessa sa dating choreographer at talent manager ng SexBomb Girls na si Joy Cancio.

Aniya, “Galing mana sa magulang...kumekendeng na.... stage mom ka na Jopay!”