Celebrity Life

Pauleen Luna, Christmas wish ang masundan si Baby Tali

By Jansen Ramos
Published November 20, 2019 10:44 AM PHT
Updated December 23, 2019 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Pauleen Luna-Sotto on considering baby no. 2: "[It] does not matter if it's a boy or girl, basta magkaroon lang ng playmate si Tali." Read more:

Isa sa mga Christmas wish ni Pauleen Luna ay masundan na ang kanilang panganay ni Vic Sotto na si Talitha, 2.

LOOK: Baby Tali's super cute photos

Nakapanayam ng GMANetwork.com kamakailan si Pauleen sa product launch ng Aprica Easy Buggy three-wheel stroller sa Adventure Zone sa Shangri-La at The Fort sa Taguig.

Ayon sa kanya, handa na raw siyang magkaroon ng baby no. 2 para magkaroon ng playmate si Baby Tali.

"Isa sa mga Christmas wishes ko 'yun na sana magkaroon pa ng another baby. [It] does not matter if it's a boy or girl, basta magkaroon lang ng playmate si Tali. [I'm] ready. Well sana boy pero kahit ano ibigay ng Diyos siyempre," sambit ng 31-year-old TV host.

Dahil desidido na siya at kanyang asawang si Vic na palakihin ang kanilang pamilya, mahalaga para kay Pauleen na panatilihing malakas ang kanyang pangangatawan kaya naman nag-enroll siya sa Pilates classes.

Saad niya, "Para mabuhat ko na siya [Tali] kasi nakapabigat. And maganda rin na puhunan din naman 'yung sarili kasi dapat strong tayo para sa pamilya."

Bukod sa baby no. 2, Christmas wish din ni Pauleen na magkaroon ng good health ang kanilang pamilya at maging successful ang Metro Manila Film Festival 2019 movie ni Vic na pinamagatang na Mission Unstapabol: The Don Identity, na pagbibidahan ng huli kasama si Maine Mendoza.

READ: MMFF announces Magic 8 entries for 2019 season

Bahagi ni Pauleen, "Same as always, good health na sana our family is always together and, of course, 'yung MMFF movie na sana maging matagumpay. God willing."

Dahil magiging abala sa pagpo-promtoe si Bossing para sa kanyang MMFF 2019 movie, ibinahagi ni Pauleen na dito nila sa Pilipinas ipagdiriwang ang ka-Paskuhan.

Aniya, "Every year dito talaga kami. Kung meron man kaming mga plans, definitely, after Christmas kasi we have to finish at least opening day of MMFF."

Pauleen Luna shares heartwarming birthday message for Baby Tali