GMA Logo manny pacquiao daughters learns how to wash clothes
Celebrity Life

Manny at Jinkee Pacquiao, tinuruang maglaba ang mga anak

By Marah Ruiz
Published April 9, 2020 3:08 PM PHT
Updated May 17, 2020 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Animal groups urge witnesses to come forward for dog killed in viral video
2 students killed in head-on collision in MisOr
Marian Rivera visits Judy Ann Santos's restaurant

Article Inside Page


Showbiz News

manny pacquiao daughters learns how to wash clothes


Tinuruan ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na maglaba ang kanilang dalawang anak na babae.

Habang naka-quarantine sa kanilang bahay sa Makati, tinuruan ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao kung paano maglaba ang kanilang mga anak na sina Mary at Queenie.

Sa Instagram photos na ibinahagi ni Jinkee, makikitang nagkukusot ang mag-anak sa ilang mga batsa.

"Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba!

"Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba. Abangan nyo po sa youtube channel ko ang video," sulat ni Jinkee.

Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba! Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba. Abangan nyo po sa youtube channel ko ang video. 🥰😄 #stayhome #staysafe #Godisgood

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Naka-quarantine ang buong mag-anak na Pacquiao sa kanilang tahanan matapos magkaroon ng close contact kay Senator Koko Pimentel na nag-positibo sa COVID-19.

Ibinahagi naman ni Manny na negatibo siya sa COVID-19 base sa rapid test kit na ginamit niya mula South Korea.