
"Mapapa-'sana all' ka na lang talaga."
Ito ang isa sa mga komentong mababasa sa TikTok videos ni Kiray Celis kasama ang kanyang boyfriend na Stephan Estopia.
Mapapanood sa kanyang Instagram video ang nakakaaliw na pagda-dub ng magkasintahan sa ilang trending TikTok videos.
Sa caption, nagpasalamat ang young comedy actress sa boyfriend niyang "supportive kahit ang jologs ko."
Aniya, "Yung jowa mong gagawin ang lahat, sumaya ka lang! kahit magmukha siyang tanga! HAHAHAAHAHAHA!
"Yung jowa mong sasakyan lahat ng trip mo, kahit hiyang hiya na siya sa mga pinapagawa ko! HAHAHAHAHAHAHA
"Yung jowa mong supportive kahit ang jologs ko! HAHAHAHAHAHAHA
"At Dahil pwede na siya dumalaw sa bahay, at namiss namin ang isa't isa. Nauto ko siyang gawin lahat ng sikat na videos sa tiktok. BUWAHAHAHAHAHA
"Salamat, My best boyfriend @stephan.estopia!"
Sa isa pang Instagram video, makikitang sumama na rin sa trip ng magkasintahan ang nanay ng dalagang komedyana.
Late 2019 nang ipakilala ni Kiray sa kanyang fans at followers ang kanyang boyfriend na Stephen.
LOOK: Kiray Celis shows off new BF's sweet gesture
Kiray Celis receives early Valentine's surprise from non-showbiz BF