
Like father, like daughter ika nga.
Nanaig ang pagka-komedyante ni Kapuso actress Winwyn Marquez kagabi, April 9, pagkatapos niyang mag-post ng isang video sa Instagram.
Sa social media site, makikita si Winwyn na nakasuot ng silk robe, turban, at high heels habang inuutusan ang kanyang amang si Joey Marquez na malinis ng bahay.
Aniya sa caption, “Pinamagatang: Joey! Naglinis ka na ba? @tsong_marquez.”
Paliwanag pa ni Winwyn, “Skit lang po ito. Araw-araw po kami naglilinis. I just wanted to make everyone laugh”
Kitang-kita sa video ang pagkatuwa ni Joey habang pinapanood ang kanyang anak.
Patok na patok ang video na ito sa ilang kaibigan ni Winwyn kabilang sina Sanya Lopez, Laura Lehmann, at Maxine Medina.
Umani na ng mahigit 85,000 views ang nasabing post sa social media platform.
Huling nagkasama ang mag-ama sa TikTok video ng kapatid ni Winwyn na si Vitto, kung saan sila ay sumasayaw sa kanta ni Wiz Khalifa na “Something New.”
#UntilTomorrow: Pinoy celebs and their 'embarrassing' childhood photos