
Nag-ala-make-up artist si Baby Tali kay Pauleen Luna nang pinturahan nito ang mukha ng kanyang ina.
Naglaro ng face paint sina Baby Tali at Pauleen. Ang anak nila ni Vic Sotto ay isa raw pusa habang ang aktres naman ay isa raw tigre.
“I'm a tiger. She gave me stripes,” paglarawan ni Pauleen sa kanyang Instagram story na muling in-upload sa account na @team_bosleng.
Hindi man kalinisan ang naging kinalabasan, napa-hashstag #ILoveBeingAMom pa rin si Pauleen.
Sinusulit nina Pauleen at Vic ang oras sa bahay upang maka-bonding ang kanilang anak na si Tali. Maliban sa pagpipintura, nasubukan na rin nilang mag-TikTok at mag-camping sa loob ng bahay.
IN PHOTOS: Celebrities bonding with their children during the enhanced community quarantine