GMA Logo iwa moto jodi sta maria thirdy lacson
Celebrity Life

Iwa Moto, Jodi Sta Maria receive Mother's Day greeting from Thirdy

By Nherz Almo
Published May 10, 2020 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

iwa moto jodi sta maria thirdy lacson


Thirdy Lacson, nagbigay ng Mother's greeting sa kanyang dalawang inang sina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto.

Katulad ng maraming anak ngayon, hindi nakaligtaan ng celebrity kid na si Thirdy Lacson na batiin ang dalawang mahalagang babae sa kanyang buhay, sina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto.

Sa pamamagitan ng Twitter, nag-post si Thirdy ng Mother's Day greeting para sa dalawang aktres.

"Happy mothers day to my mamas [heart emoji]," sulat ni Thirdy sa kanyang post kasama ang dalawang larawan nina Jodi at Iwa.


Pinusuan naman ito ng kanyang inang si Jodi.

Samantala, isang pasasalamat naman ang post ni Iwa sa kanyang Instagram account.

Kalakip ang mga larawan kasama si Thirdy at anak niyang si Hiromi Aiko, sinabi ni Iwa, "I love you both."

I love you both. @thirdy.lacson @hiromiaikoeve

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa) on


Si Thirday ay anak ni Jodi sa dati niyang asawang si Pampi Lacson, na kasalukuyang partner ni Iwa.

Anak nina Iwa at Pampi si Hiromi Aiko.

Noon pa man ay bukas na ang dalawang aktres sa magandang samahan nila, lalo na pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Iwa Moto, itinuturing na kumare ang ex ni Pampi Lacson na si Jodi Sta. Maria

Iwa Moto, grateful to Jodi Sta. Maria's unexpected friendship