
Hindi na makalabas ng bahay, nagka-power failure pa. Hindi inakala ni Pia Guanio na ganito ang mangyayari sa kanilang pagsalubong ng kaarawan ng kanyang mister na si Steve Mago.
Inamin ni Pia na malayo sa kanilang plano ang naging birthday celebration ng kanyang asawa.
Ramdam din nila ang hirap at restriction ng enhanced community quarantine lalo na't nawalan din sila ng kuryente sa bahay.
Gayunpaman, masaya pa rin ang kanilang pamilya at tiyak daw na hindi nila makakalimutan kung paano nila sinalubong ang kaarawan ni Steve.
Aniya, “In quarantine, a power failure that lasted the whole night, [had] us sleeping in the living room fanning ourselves in the sweltering heat. We couldn't have a mind-blowing vacation or throw a big party this year but what a memorable birthday for you anyway!! We love you darling!”
Pia Guanio shares her roles as a mom of two girls
IN PHOTOS: The beautiful family of Pia Guanio