
Inamin ni Kapuso mom LJ Reyes na malaki ang nagagawa ng bunso niyang anak si baby Summer Ayana para sa kanilang pamilya sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa.
Bukod sa dalang saya ng presensiya niya ni Summer, ang kakaibang energy nito ang labis na nagapasigla sa kanya, sa daddy niyang si Kapuso actor Paolo Contis at kapatid niyang si Aki.
Ibinahagi ito ni LJ sa latest Instagram post niya kung saan niya ibinida ang newly discovered dancing skills ni Summer. You make us so happy lately!
“Alam ko parang neverending na 'tong sitwasyon natin, but your energy keeps our home alive!
“You make me, Papa and Ahya Aki so happy! Filling our home with laughter and so much love in this difficult time!” pahayag ng aktres.
Kaugnay nito, ibinahagi rin ni LJ ang itinuro niyang dance steps kay Summer.
“Tinuruan ko siya ng dance steps tapos nakuha na niya! Siyempre 'di 'to agad-agad. Pero nakakatuwa pa rin!
“Bigay na bigay pa 'yung attitude sa huli o! Pak! Gusto pa naka-selfie cam ah!” dagdag pa niya.
Hindi lang sa Instagram feed ni LJ laging bida si Summer dahil pati ang social media pages ng daddy niyang si Paolo ay puno ng iba't ibang videos at photos niya.
Mayroong mga video ng acting lesson, prank, dance cover, disciplinary method at marami pang iba.
WATCH: Paolo Contis's #Acting102 lesson with Baby Summer
LJ Reyes nakararanas ng anxiety at insomnia sa gitna ng coronavirus pandemic