
Ngayong COVID-19 quarantine, kung kailan suspendido ang mga taping, karaniwan ay nananatili lang sina Paolo Contis at LJ Reyes sa kanilang bahay para alagaan ang kanilang one-year-old daughter na si Summer Ayanna.
'Yan at iba pa ang ibinahagi ng Kapuso couple sa kanilang magkahiwalay na YouTube vlogs.
Base sa vlog ni Paolo, alas siyete ng umaga siya karaniwang nagigising, pagkatapos ay nagkakape, at saka pinakapakain at pinapaliguan si Summer.
Pagkatapos noon ay doon pa lang siya kakain ng almusal kasama si LJ kapag gising na ito.
Sabi ni Paolo kay LJ, "'Di ako makatulog, parang pagising-gising ako, parang ang sama."
Bukod sa pagpapakain at pagpapaligo kay Summer, nakatoka rin si Paolo sa pagpunta sa bangko.
Sa bersyon naman ni LJ, ipinakita niya ang kanyang normal routine bago pa man siya matulog sa gabi.
Nauuna laging bumangon si Paolo kay LJ dahil karaniwang putol-putol ang tulog ng aktres dahil sa pagbabantay kay Summer, kaya naman late siya nagigising.
Kapag nakatulog na ang mag-ama, kinukuha ni LJ ang oportunidad na makapagtrabaho sa madaling araw at saka siya matutulog.
Panoorin ang kanilang vlog dito: