Celebrity Life

Rodjun Cruz, Dianne Medina name their baby boy's ninongs and ninangs

By Dianara Alegre
Published June 24, 2020 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

rodjun cruz and dianne medina


"Sa GMA friends ko, ang mga ninong diyan…,” sambit ni Rodjun Cruz nang pangalanan niya ng mga magiging ninong at ninang ng baby boy nila ni Dianne Medina.

Matapos ang ilang buwang paghihintay ay inanunsiyo na nina Kapuso couple Dianne Medina at Rodjun Cruz ang gender ng kanilang panganay, nitong June 22.

Isang baby boy ang dinadala ni Dianne at sa September ang buwan ng kanyang kapanganakan.

Upang ipaalam sa kanilang mga kamag-anak at fans na rin, nagdaos ng online gender reveal party ang couple na mapapanood din sa YouTube channel ni Dianne.

“Naggawa kami ng Zoom gender reveal party kasi gusto naming ma-celebrate pa rin 'to para 'pag laki ni baby may babalikan siyang memory or mapapanood niya paano namin sinelebreyt 'yung reveal niya. May catering pa nga kami pero dalawa lang kaming kumain,” sabi ni Dianne.

Bakas pa rin kay Rodjun ang saya nang malamang magkakaroon na siya ng junior.

“Wala akong idea talaga kung boy or girl sa sobrang saya ng feeling kasi 'yun nga nagulat ako na boy, boy nga talaga. So ibang klaseng saya,” aniya.

IN PHOTOS: Rodjun Cruz and Dianne Medina's gender reveal party

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina) on


Dagdag pa ni Dianne, sinadya niya umanong ilihim sa mister na lalaki ang dinadala niya.

“Actually dati pa akong namimili hindi alam ni Rodjun. Dine-deliver dito sa bahay pero inuutos ko du'n sa assistant namin, 'wag ipakita sa kanya 'yung kulay kasi baka malaman niya,”

“Next week, mags-start na kami ng construction ng baby room,” aniya.

Binanggit din ni Dianne na kahit sa September pa siya manganganak ay inihahanda na nila ang mga bagay na possible nilang kailanganin.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga mommy gaya nina Luanne Dy at Max Collins sa mga tip na ibinahagi ng mga ito sa kanya.

“Tinutulungan nila ako like si Luane [Dy], sina Max Collins, tinutulungan nila ako du'n sa mga list na dapat ko raw dalhin sa hospital tsaka 'yung needs ng baby.

“Marami-rami 'yung nasa listahan so nagpe-prepare na kami para hindi kami mag-panic kapag malapit na manganak,” aniya.

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina) on


Samantala, ibinahagi naman ni Rodjun na pati listahan ng mga magiging ninong at ninang ng baby nila ay kinukumpleto na rin nila.

“Nakausap ko na rin 'yung ibang friends ko sa GMA. Sa GMA friends ko ang mga ninong diyan, si Alden siyempre, si Kristoffer Martin, Bea Binene, si Bianca Umali. Basta marami, sa side rin ni Dianne marami,” sabi pa ni Rodjun.

Inanunsiyo nina Dianne at Rodjun ang kanilang pagbubuntis nitong April, apat na buwan makaraan ang kanilang star-studded wedding noong December 2019.

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina) on