GMA Logo chito miranda and son miggy
Celebrity Life

Chito Miranda on son Miggy: "Grabe ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo"

By Cara Emmeline Garcia
Published July 7, 2020 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

chito miranda and son miggy


Chito Miranda sa pagmamahal niya sa anak na si Miggy, "Parang may feeling of complete surrender..."

Isang appreciation post para sa kanyang anak na si Miggy ang inilathala ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda Jr. noong Lunes, July 6.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Chito ang dalawang litrato ni Miggy habang nag-aaral at naglalaro sa kalye.

Ayon sa lead singer, “Work hard, play hard.”

Kuwento ni Chito, tuwing nakikita niya ang kanyang anak ay napupuno siya ng pagmamahal para dito.

Wika niya, “Parang may feeling of complete surrender na tipong lahat handa mong ibigay, at lahat kaya mong gawin para sa kanya.

“Hindi 'yung material things na tipong maso-spoil siya ha!

“Pero lahat ng totoo at tunay na kailangan niya sa buhay, sobrang handa ako, at buong loob kong paghihirapan.”

Lagi raw niyang ipinapaalala kay Miggy ang pagmamahal niya sa kanya lalo na tuwing pinapagalitan ito o may nakikitang pagkakamali.

Kaya naman hindi napigilan si Chito na sabihing, “Naalala ko tuloy 'yung sinasabi sa akin dati ng drummer ng Kamikazze [hi Papa Bords!], na magbabago ang lahat kapag nagka-anak ka, at magugulat ka sa capacity mo magmahal… na kaya mo pala magmahal ng ganun ka-grabe.

“Sobrang totoo.”

Dagdag pa niya, “Every night, nagpapasalamat talaga kami ni Neri kay God for blessing us with Miggy.”

Basahin ang buong mensahe ni Chito sa anak niya:

Work hard, play hard. Seryosong-seryoso sa pag-aaral eh 😂 pero ok lang yan kasi sagaran din naman sya sa paglaro hehe! Grabe ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa bulinggit na 'to. Parang may feeling of complete surrender na tipong lahat handa mong ibigay, at lahat kaya mong gawin para sa kanya. Hindi yung material things na tipong maso-spoil sya ha! Pero lahat ng totoo at tunay na kailangan nya sa buhay, sobrang handa ako, at buong loob kong paghihirapan. Gusto ko, constantly alam nya at nararamdaman nya na mahal na mahal ko sya...even at times na pinagsasabihan ko sya, ini-explain ko sa kanya na mahal ko sya kaya ko sya pinapagalitan. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin dati ng drummer ng Kamikazee (hi Papa Bords!), na magbabago ang lahat kapag nagka-anak ka, at magugulat ka sa capacity mo magmahal...na kaya mo pala magmahal ng ganun ka-grabe. Sobrang totoo. Every night, nagpapasalamat talaga kami ni Neri kay God for blessing us with Miggy. Sorry, na-senti lang ako bigla. Ganito lang talaga ako kapag nagtatrabaho. Nagsusulat kasi ako ng kanta sa baba eh, tapos pag-akyat ko tulog na sila. Goodnight.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Ipinanganak si Miggy o Alfonso Miranda III noong November 2016.

Chito Miranda makes a salad with fresh vegetables picked from Neri Naig's garden

Chito Miranda shares realization about Neri Naig's situation as a stay-at-home mom