Celebrity Life

Solenn Heussaff opens up about struggle on breastfeeding

By Dianara Alegre
Published July 7, 2020 11:12 AM PHT
Updated July 7, 2020 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

solenn heussaff on breastfeeding


Dahil hindi na nagbi-breastfeed si Solenn Heussaff, pwede na siyang mag-diet kaya unti-unti na niyang naibalik ang sexy figure niya, ilang buwan lang matapos siyang manganak.

Marami ang humanga nang makita ang vacation photo ni Solenn Heussaff dahil muli nang naibalik ng TV host actress ang kanyang sexy figure--ilang buwan lamang matapos niyang isilang ang baby nila ng asawang si Nico Bolzico na si Thylane Katana.

Matatandaang ipinagdiwang nina Solenn at Nico ang sixth month ni Thylane sa Nasubu, Batangas nitong July 1.

LOOK: Solenn Heussaff, inumpisahan na ang breastfeeding kay Baby Thylane

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Solenn ang development sa kanyang #RoadToMe fitness project.

“Ngayon na mas nasa formula 'yung baby, pwede na akong mag-diet talaga.

"So, I've been really dieting the last three weeks tsaka exercising uphill walk or workout sa YouTube lang,” aniya.

Dagdag pa ni Solenn, gaya ng maraming mommy, hindi rin siya nabiyayaan na magkaroon ng sapat na breast milk.

Sinubukan na rin umano niya ang kumain ng malunggay at iba pang approaches para makapagdagdag ng breast milk.

“Basta kung anong nasa book, tinry ko. Nag-increase naman pero hindi pa rin sufficient para sa needs ng baby.

"At the end, naging mas open-minded ako kasi sabi nila, a happy mom is a happy baby.

“So, kung happy ka by mix feeding or by purely feeding or purely formula then okay naman 'yung baby, para hindi siya ma-stress,” sabi pa ng aktres.

WATCH: Solenn Heussaff shares lactation bread recipe for breastfeeding moms

Solenn Heussaff reveals difficulties of producing milk for Baby Thylane

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

Samantala, balik-trabaho na rin si Solenn pero work-from-home set up. Sa katunayan, nakapag-taping na siya para sa isang horror film.

“Nagse-set up ako talaga. Kapag kailangan madumi 'yung bahay, tinatapon ko 'yung mga gamit ko sa floor, 'tapos continuity, 'tapos, siyempre, sa movie may mga pasa-pasa. Sobrang challenging,” aniya.

Bukod dito, magbabalik na rin ang magazine program niyang Taste Buddies.

“Super excited na rin ako na bumalik sa trabaho. Pero for now, baka si Gil will be the one on the grounds tapos ako, gagawin ko 'yung mga videos ko sa bahay kasi may studio na ako rito,” sabi ni Solenn.