GMA Logo rufa mae quinto dream house
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, tuloy ang pagpapagawa ng bahay sa Pilipinas habang nasa Amerika

By Cherry Sun
Published September 2, 2020 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

rufa mae quinto dream house


Ipinasilip ni Rufa Mae Quinto ang kanyang pinapagawang dream house!

Nasa Amerika pa rin si Rufa Mae Quinto, pero tuloy ang pagpapagawa ng kanyang dream house dito sa Pilipinas.

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes with baby Alexandria

Lumipad patungong Amerika si Rufa Mae, kasama ang kanyang anak na si Alexandria, noong Pebrero upang kanilang makapiling si Trevor Magallanes.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, hanggang ngayon ay nananatili sila sa US.

Hindi pa man sila makabalik sa Pilipinas, sinigurado ni Rufa Mae na tuluy-tuloy pa rin ang kanyang ipinapagawang bahay na kanyang uuwian dito sa bansa.

Ibinahagi ng comedy actress ang ilang kuha ng construction ng kanyang dream house.

Aniya, “Ito 'yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede nang umuwi.

"Imagine habang pandemic, nagpapagawa ako ng bahay, habang andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lockdown...

“Pero sa awa ng Diyos, patapos na ang bahay, naitawid ang Lahat .

"Kaka-miss ... pero wait wait lang... Todo na 'to! Go go goals. God will provide amen.

"Ito din yung katas ng labor of love. Ito din ang isa sa dahilan bakit miss na miss ko ang Pilipinas.”

Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic , nag papagawa ako ng bahay , habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down , ✋ stop 🛑 close ,open , ecq, mcq, gcq , etc.... pero sa awa ng Diyos , Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat . Kaka miss ... pero wait wait Lang... Todo na to! Go go goals 🏡 god will provide amen 🙏 ito din yung katas ng labor of love ❤️ Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on