
Ibinahagi ni Chito Miranda ang kanyang ginawang paraan noon nang pagpapa-cute kay Neri Naig.
Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, September 21, inilahad ni Chito na ang pinaka ipinagpapasalamat niya ang pagpapa-cute niya noon kay Neri.
"I have so many things to be thankful for [my family, my friends, my band, etc...], pero isa sa pinaka-thankful ako for sa buong buhay ko, is yung fact na nagpa-cute at nilandi ko si Neri Naig sa Twitter hehe! Dun nagsimula ang lahat."
Dagdag pa ni Chito masayang masaya siya ngayon sa piling ni Neri at kanilang pamilya.
"Ngayon, mag-asawa na kami at may sarili nang pamilya...absolutely the best thing that has ever happened in my life."
Payo pa ni Chito sa kanyang followers, huwag matakot na gamitin ang pagkakataon.
"Kaya ikaw, wag na wag kang matatakot mag-take ng chance...because if you don't, someone else will."
Ikinasal sina Chito at Neri noong 2014. Ang celebrity couple ay mayroong anak na lalaki na si Miggy.
Neri Naig expresses her full support for husband Chito Miranda
Chito Miranda earns praise for sharing bonding time with his son