Celebrity Life

Aicelle Santos, Maricris Garcia share pregnancy symptoms

By Dianara Alegre
Published September 24, 2020 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

aicelle santos and maricris garcia


Napag-uusapan umano ng soon-to-be moms na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia, kasama ang Kapuso expectant moms na sina Chariz Solomon at Sheena Halili, ang kanilang pregnancy concerns sa isang group chat.

Ibinahagi nina Kapuso expectant moms Aicelle Santos at Maricris Garcia ang ilan sa mga naging karanasan sa gitna ng pagbubuntis sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, nitong Miyerkules, September 23.

Ayon kay Maricris, naging maselan ang kanyang pagbubuntis.

“Pinakanahirapan ako talaga sa first trimester.

"Dati kasi wala akong kaselan-selan sa katawan. Du'n 'yung time na 'yon parang lahat ng amoy ayaw ko,” aniya.

Nakaranas naman daw ng pamamanas si Aicelle kaya iniwasan niyang kumain ng mga maaalat na pagkain.

“Ako, nagmamanas. Nagmamanas 'yung paa't kamay ko, so I need to stay away from salty food.

"May mga mornings ako na when I wake up, hindi ko magalaw 'yung kamay ko kasi matigas,” lahad niya.

Aicelle Santos and Maricris Garcia

Source: aicellesantos (IG) , maricrisgarcia_cruz (IG)

Samantala, bilang mga Kapuso Divas ay hindi mawawala sa kanila ang musika.

At ngayon pa lamang, madalas na raw nilang kinakantahan ang kanilang unborn babies.

“Ako, 'pag naliligo, madalas du'n kami kumakanta.

"And for some reason, gustung-gusto ko 'yung Spice Girls. So, laging Spice Girls 'yung kinakanta ko,” kwento ni Centerstage judge Aicelle.

Nahihilig naman daw ngayon sa mga lumang awitin si Maricris.

“Ako, ang tanda nu'ng songs ko. Natalie Cole, Patti Austin. 'Yan 'yung mga lagi kong pinapakinggan. Tapos kapag nakikinig ako ng music, nagpe-play ako ng music, tahimik siya.

“Napapansin ko sa kanya na kapag may ginagawa akong gusto niya, tahimik siya,” dagdag pa niya.

Samantala, dahil mga first-time moms, aminado ang dalawa na kailangan nila ng gabay mula sa experienced mommies, lalo na para sa kanilang mga concern.

Ibinahagi rin nila na mayroon silang group chat kasama ang dalawa pang expectant moms na sina Sheena Halili at Chariz Solomon.

“Actually, kaming dalawa, plus si Chariz Solomon and Sheena Halili, mayroon kaming group.

"Du'n kami nagpapalitan ng mga experiences, 'yung mga symptoms ng pregnancy.

“Bilang si Chariz, e, experienced mother na, siya 'yung aming mentor,” sabi ni Aicelle.