
Proud na ipinakita ng expectant mom na si Chariz Solomon ang kanyang imperfections sa isang Instagram post noong September 15.
Ishinare ng Kapuso actress ang isang unfiltered photo kung saan kita ang kanyang stretch marks, linea nigra, at discoloration sa kanyang kili-kili na dulot ng kanyang pagbubuntis.
Ika ni Chariz sa caption, "Kaya pa ba ng tiyan ko?
"'Di ko alam kanino ako maaawa. Kung sa sarili ko ba o sa anak kong sikip na sikip na."
Nakatakdang isilang ni Chariz ang kanyang ikatlong anak na kung tawagin niya ay Baby T sa katapusan ng buwan.
Source: Chariz Solomon's Instagram account
Kinumpirma niya ang kanyang third pregnancy sa kanyang 31st birthday noong August 22 na siya ring ika-walong buwan ng kanyang pagbubuntis.
Sina Apollo at Ali ang dalawang nakatatandang anak ni Chariz.