
Hindi maipagkakailang may pagkakahawig si Joey de Leon at ang kanyang apong si Jakob Ethan, anak nina Jako de Leon at Gill Salita.
Pansin na pansin ang pagkasabik ni Joey sa kanyang apo. Sa katunayan, isinama na rin niya si baby Jakob habang nagho-host ng Eat Bulaga! mula sa kanyang tahanan kamakailan.
Tila mahirap paghiwalayin ang mag-lolo lalo na't pansin ding nagmana sa kanya ang kanyang apo.
Itinabi ni Joey ang kanyang lumang litrato mula pagkabata at ang litrato ni baby Jakob.
Aniya, “Sa mga ngiti makikita ang lahi...Like grandfather, like grandson!”
Minsan na ring ipinakita ng Henyo Master ang kanyang litrato sa kanyang apo at tila ikinatuwa naman ni baby Jakob ang pagkakahawig nila.
Ayon sa caption ni Joey, “Swipe para malaman kung ano yung nakita ni Jakob at napa-smile siya?”