
“Nag-uumpisa na siya!” bitiw ni LJ Reyes sa Instagram noong Linggo, October 25 nang makita ang kanyang bunsong anak na si Summer Ayana na suot-suot ang kanyang tsinelas sa bahay.
Kuwento ng Kapuso actress, maraming beses na raw niyang nahuhuli ang kanyang anak na kinukuha ang kanyang mga gamit tulad ng sapatos, make-up, pati na ang kanyang bag.
Aniya, “@paolo_contis she's been trying on my shoes, playing with my makeup brushes, pati bag ko inaagaw! Ang cute, cute mo anak!”
Ipinakita rin ni LJ ang isang litrato ng paa ni Summer habang suot-suot ang kanyang malaking tsinelas.
Maliban sa pagdadalaga ni Summer, ipinakita rin ni LJ ang pagkabilib niya sa talino ng kanyang bunsong anak nang kilalanin nito kung sino-sino ang lalaki at babae sa kanilang bahay.
Kuwento ni LJ, “During our kulitan, may nakunan akong nakaka-proud.
“I taught her a few times kung sino ang boy at girl sa household namin. And bigla na lang siya nagpakitang gilas sa akin.
“Natuwa ako ng sobra kasi ako nagturo sa kaniya, e. Tapos nakuha na niya.”
Sa video makikitang sinasabi ni Summer na lalaki ang kanyang ama na si Paolo Contis at ang kapatid na si Ethan Akio.
Tingnan ang cute na cute na video na ito: