GMA Logo Vic Sotto at Tali Sotto
Celebrity Life

'Jack en Poy' game nina Vic Sotto at Tali, kinagiliwan ng netizens

By Dianara Alegre
Published October 30, 2020 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LA Tenorio, Yukien Andrada relish Magnolia debuts as playing coach, rookie
December 22, 2025: One North Central Luzon Livestream
Check out these gifts that champion health and comfort

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto at Tali Sotto


Kinagiliwan ng celebrities at netizens ang isa na namang cute video ni Baby Tali.

Natuwa ang netizens sa bago na namang cute at nakaaaliw na video ni Baby Tali Sotto kasama ang kanyang daddy na si Bossing Vic Sotto.

Sa pagkakataong ito, naglalaro sila ng iconic children's game na “Jack en Poy” o “rock paper scissors.”

Vic Sotto at Tali

Source: pauleenlunasotto (IG)

Marunong na si Tali maglaro nito pero hindi ito ang napansin ng marami. Panoorin sa post ng kanyang Mommy Pauleen kung gaano ka-cute ang youngest Dabarkads.

Sino matalo, siyang PUNGGOY??? 😂😂😂

Isang post na ibinahagi ni Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) noong

Talaga namang sobrang cute ni Tali at marami sa netizens, pati na ang celebrities, ang tuwang-tuwa sa kanya.

Celebrities netizens nag react sa jak en poy game nina Vic Sotto at Tali

Celebrities netizens nag react sa jak en poy game nina Vic Sotto at Tali

Celebrities netizens nag react sa jak en poy game nina Vic Sotto at Tali

Celebrities netizens nag react sa jak en poy game nina Vic Sotto at Tali

Source: pauleenlunasotto (IG)

Samantala, hindi lingid sa kaalaman ng Eat Bulaga! host na may ilang bashers ang kanyang bunsong anak.

Nagpahayag si Bossing Vic ng kanyang saloobin tungkol dito at aniya, mahalaga pa rin na mas marami ang natutuwa at napapasaya ni Tali kaysa mga masasakit na salitang ipinupukol dito.

“Ang importante naman, higit na nakararami 'yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay.

“Tapos 'yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin 'yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang 'yon.

“I try to understand these people dahil malay natin baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time. Iniintindi ko na lang 'yon.

“Mas importante, mas nakararami 'yung good comments,” aniya nang makapanayam ni GMA News pillar Jessica Soho para sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KJMS.)