
Kung tatanungin si LJ Reyes, malaki ang namana ng kanyang bunsong anak na si Baby Summer sa kanya kaysa sa ama niyang na si Paolo Contis, lalung-lalo na pagdating sa kakulitan.
Kuwento ng Kapuso actress sa Instagram, “You remind me so much of myself, my love!
“Alam ko akala ng mga tao your kulit came from Papa @paolo_contis, pero 'di lang nila alam!!! You make each day so much fun!”
Malaki ang pasasalamat ni LJ sa sayang inihahatid ni Summer sa kanilang pamilya kaya gusto na niyang matapos ang pandemiya para maipakita sa kanya ang ganda ng mundo.
“It may sound selfish but I thank God for giving you to us at this time.
"You and Aki make me go crazy every day, but you both are the reason why I'm surviving this world right now,” dagdag pa niya.
“I hope things get better soon, so we can show you how beautiful this world God had created is!”
Sa comments section, maraming fans ang pumuna na magkahawig din sina LJ at Baby Summer sa litratong nai-post ng aktres.
Sulat ni Paolo Contis, “Haaaaayyy!!! Nakaka-inlove naman ang smile nitong maliit na 'to!”
Sino ang tingin niyong mas kahawig ni Baby Summer? Si LJ o si Paolo?